Last day.
Naalala ko yung huling araw na pinuntahan ko siya sa bahay niya. Tahimik lang. Walang nagsasalita. Nagaaral siya. Nasa kama ako. Tumitingin sa paligid ng kwarto niya. Umaga nun alam ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kama niya. Nagising ako at nagaaral pa din siya. Kinausap niya ako bat daw ako andun, sabi ko gusto ko siya kausapin. Lumapit siya sa kama. Tumabi siya sakin. Walang nagsasalita. Kinuha ko yung cellphone ko, pinicturan ko yung kwarto niya. Tinanong niya bakit ko daw pinicturan. Sagot ko “Wala lang, baka kasi ito na yung huling beses na makikita ko yung kwarto mo. Gusto ko lang maalala.”

