Nakakagulat. Marami ang magugulat. Pati ako nga nagulat. Marami ang magtatanong. Marami ang magtataka. Kung bakit ikaw, kung bakit ako, kung bakit tayo, tayong dalawa. Meron sigurong maiinis, merong matutuwa, meron din sigurong walang pakialam. Ang mahalaga ay pinagtagpo tayo. Hindi ko alam sa kung anong dahilan. Pero ang alam ko lang, masaya ako. Masaya ako na ikaw ang kasama ko. Na ikaw ang nagpapasaya sakin, na ikaw ang nagbago at nagpakulay muli ng mundo ko. Hindi ko nga alam kung bakit ikaw ehh. Hindi ko talaga alam. Nakakagulat na dati hindi kita pinapansin, lalong hindi mo ako pinapansin. Nakakatawa nga na ayoko sayo dati. Ewan ko. Hindi ko alam kung hanggang kelan to, o hanggang saan tayo aabot. Basta ang importante eh yung tayo ngayon. Saka na yung bukas. Saka na yung sa susunod na mga araw. Saka na natin pagisipan. Mahal kita. Mahal kita kahit hindi ko alam ang tunay mong birthday, kahit na taga Tarlac ka, kahit na may mga salita kang di ko maintindihan, kahit na hindi mo alam ang ibig sabihin nga IKR, NVM at BRB (hahah), kahit na nakadilat ang mata mo kapag tulog, mahal kita kahit ang epal mo, kahit minsan ang PDA mo sakin hahaha, minsan tuloy parang ako pa ang conservative, mahal kita kahit ang payat mo at ang taba ng braso mo. Gusto pa kitang makilala ng husto.